Themes & Motifs Online / News, Promos & Ideas / February 26, 2020

844,000 Pesos Prosperity Dance


LOOK: Hindi lang wagi sa pag-ibig ang bagong kasal mula sa Binmaley, Pangasinan. Parang naka-jackpot din sina Allan and Precilla sa nakuhang cash gift sa kanilang money dance!

Sa money dance kasi ng bride and groom, isinuot sa kanilan ang mala-kapa at koronang gawa sa pera. Ito ay pinagsama-samang U.S. at Canadian dollars, bukod pa sa Philippine pesos. 

Naging posible raw ang kakaibang money dance na ito dahil karamihan sa kanilang guests at principal sponsors ay galing sa America at Canada.

Nakatanggap sina Allan at Precilla ng 13,000 US dollars, 3,250 Canadian dollars, at P62,000. At ang kabuuan... 844,000 pesos! #SanaAll! 

Balak daw i-invest ng mag-asawa ang natanggap na pera.

??: J.Layno Digital Photography & Videography

WATCH: https://youtu.be/VCX3LdiH8VM

Source: GMA News











ADVERTISEMENT
J's Diamond













Comments